BUWAN NG WIKA 2024 | Mabuhay!














๐๐จ๐ช๐๐ก ๐ก๐ ๐ช๐๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฐ | Mabuhay! Samot-saring patimpalak ang inorganisa ng mga guro para sa paggunita ng Buwan ng Wikang Pambansa 2024.
Alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1041 na pinatupad ng dating pangulo, Fidel V. Ramos, ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Buwan ng Wika tuwing Agosto upang bigyang-pugay at paunlarin ang paggamit ng Wikang Filipino. Bukod pa rito, binibigyang-diin din ang kahalagahan ng wika bilang susi sa kalayaan at pagkakaisa ng ating bayan.
Bilang bahagi ng pagdiriwang, inaanyayahan ang mga mag-aaral na makiisa at makilahok sa mga patimpalak. Ang mga mekaniks at kriterya ng bawat kompetisyon ay matatagpuan sa mga kalakip na litrato.
Sama-sama nating ipagdiwang ang ating wikaโisang makapangyarihang simbolo ng ating kalayaan at pagkakaisa. Ipakita ang iyong galing at talento sa pagsulong ng Wikang Filipino!
Mga Nanunungkulan:
Licong, Danica Angel
Dorin, Jessa Claire
Sarandona, Daphne
Rubilla, Clarence Josh
#TheMaroonInk
#BuwanNgWika2024
#UMIHS