BUWAN NG WIKA 2025

By: Jasmine Asher Galanga & Liana Bernadet Medidas
·
Thu Aug 14 2025 12:00:09 GMT+0000 (Coordinated Universal Time)
BUWAN NG WIKA 2025

Sa pagsapit ng Agosto, muling ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika bilang pagkilala sa kahalagahan ng wikang pambansa sa pagpapatibay ng ating pagkakaisa. Sa buwang ito, higit nating pinapaigting ang pagpapahalaga sa wikang Filipino—ang tulay na nagbubuklod sa bawat Pilipino.

Bilang bahagi ng taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wika, magkakaroon ng iba’t ibang patimpalak at aktibidad sa buwan ng Agosto. Hinihikayat ang mga  mag-aaral na lumahok sa mga gaganaping patimpalak at programa. Ang kulminasyon ay nakatakdang gaganapin sa Agosto 29, 2025.

Nawa’y maging hudyat ang buwang ito ng mas masidhing pagmamahal sa ating wika at mas matatag na pagkakaisa bilang Pilipino. Maging bahagi tayo sa pagpapanatili, pagpapayabong, at pagmamahal sa ating sariling wika.