Gusto kong ibigay

By: Dorothy De dios
Β·
Sat Jul 11 2026 15:30:40 GMT+0000 (Coordinated Universal Time)
Gusto kong ibigay

Ang buhay na gusto mo

At gagawin ko'ng kahit ano."

Walang bagay na masyadong maliit,

walang pangarap na masyadong malaki,

kapag ikaw ang dahilan ng aking pag-ipon,

ng aking paghinga,

ng aking pag-awit.

Ang tanging hangad ko ay makita kang masaya at nakangiti.

At kung ang dahilan nito ay isang Chuckie mula sa 7/11,

o isang maikling liham na mula sa puso,

iipunin ko ang bawat piso’t sentimo,

ang bawat tula at liriko,

upang maibigay sa’yo ang lahat ng ito.

π˜—.𝘚. π˜”π˜’π˜©π˜’π˜­ 𝘬π˜ͺ𝘡𝘒, 𝘱𝘒𝘭𝘒𝘨π˜ͺ.

β€”star.