Literary | Aanhin Ko ang mga Numero, Kung Ikaw Lang ang Gusto Ko?
- French Matthew De Guzman
Sa bawat numero na aking binibilang,
Damdamin ko para sayo'y hindi kailanma'y mabibilang,
Dahil kahit ilang beses ko mang kalkulahin,
Halaga ng pera'y hindi kayang tumbasan ang aking nais angkinin,
Kahit gaano karaming pera ang aking bilangin,
Ikaw lamang ang nais kong piliin.
Aanhin ko ang mga numerong may hangganan,
kung ang pag-ibig ko sa’yo’y walang katapusan?
Aanihin ko ang dami nang salaping aking binibilang,
Kung puso ko nama'y sayo lamang naka salang?
Aanihin ko ang yaman na aking nalikom,
Kung ikaw ang kayamanang nais malikom?
Kung papipiliin man ako kung pera o gintong kayang kunin lahat nang bagay,
Presensya mo parin saaking buhay ang aking pipiliin habang-buhay,
Sapagkat ikaw ang yaman na hindi basta bastang matutumbasan ng salapi.
Sa bawat bilang na aking haharapin,
Hindi na pera ang nais bilangin,
Kundi ang mga araw na nais ka makapaling,
Sapagkat, kahit gaano man karami ang aking makakamtan,
Ikaw lamang ang kayamanang nais mahawakan.
Kung ang puso ko'y isang account na kailangang balansehin,
Ikaw tanging halaga na nais kong idagdag at pananatilihin.
At kung ang pag-ibig ko'y parang interest na patuloy na nadaragdagan,
Sa bawat araw na lumilipas, lalo itong tumataas nang walang hangganan.
Kaya, kahit pinaka mabisang kalkulator ang aking gagamitin,
Walang numerong makakasukat
sa pag-ibig na kaya kong taglayin.
Maaaring ang salapi'y maubos at mawala,
Pag-ibig ko sayo'y mananatili saan man tayo dadalhin nang tadhana.
Kaya kahit anong halaga ang aking mabilang sa mundo,
Ikaw parin ang pinakamahalagang
yaman na iniibig kong buo.