Yulo, Nagwagi ng Ginto sa Paris Olympics 2024
By: Ellah May Masicampo & Gian Paulo Mabaso
ยท
Sun Aug 04 2024 11:37:14 GMT+0000 (Coordinated Universal Time)
Sa isang kapuri-puri at makabuluhang tagumpay, kinilala si Carlos Yulo sa pagkamit ng gintong medalya sa Olympics sa Paris na kanyang napanalunan nitong Sabado, Agosto 3, 2024.
Sinubok ang kanyang galing at husay sa larangan ng gymnastics, kung saan nagpakita siya ng tapang sa huling laro ng floor exercise. Sa kabuuan, nakamit niya ang 15.00 puntos, binubuo ng 6.600 sa hirap, 8.400 sa pagganap, at walang penalty.
Siya din ang nagtala ng pinakamataas na rekord sa kasalukuyan at kinikilala bilang isang mahusay na atleta mula Pilipinas sa larangan ng gymnastics. Mabuhay ka, Yulo!